By Norman Wilwayco

Show description

Read Online or Download Gerilya PDF

Similar nonfiction_2 books

Extra info for Gerilya

Sample text

Salamat. Mag-uusap ba kayo ni Kilo Mike mamaya? —Bakit? —Meron sana akong bilin. —Go ahead. —Teka isusulat ko muna. —Oscar Kilo. Hihintayin ko. Kumuha siya ng papel at mabilis na ginawang code ang mensahe kay Ka Mon. DI NATULOY ANG PULONG. GALIT SANGAY SA AKIN. USAP TAYO. —Break… Makalipas ang ilang saglit, nagbalik sa ere ang boses ni Ka Luz. —Go ahead, Alpha. —27546-54788-64789-32147-32145-8798556487-99239-61828-32969 —Yun lang? —Yun lang. Salamat. —Walang anuman. Hoy Alpha, balita ko eh… hehehe… totoo ba ang aking nabalitaan?

Di ko to kaya mag-isa. —Katulungin mo na lang iyang Dumagat. May isa pa naman siyang kamay eh. Di ko na naman alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Di pa man ako sumasang-ayon, mabilis na siyang nakatayo’t papalayo na ng lakad, pabalik ng direksyon. —Iwan mo yang radyo! —Gagabihin na ko sa daan, kasama, wala akong guide, sagot niya nang walang tingin-tingin. Tinapon ko ang stretcher at pinasan ang isang sakong bigas. At bago pa ko mabadtrip nang todo tinuloy ko na ang naantalang paglalakad, litong-lito sa inasal ng kasama.

At nasaan ang dalawang yun ngayon? Nandoon naghihilik sa mga tent nila. Malamang nagbabanatan sa puwet ang mga tarantado. Sana mahuli sila ng ibang mga kasama sa akto ng kabastusan. Hehehe. Sana si Ka Joy, yung dating ministro ang makahuli sa kanila, at yung ibang mga homophobic sa grupo na malalaki ang mga katawan tulad nina Ka Mario, Ka Edgar, at si Ka Omar. —Magbaon kayo ng isang sakong bigas, pagkain nyo yan at ng mga masang tuturuan nyo. Panay tango ang sagot namin ni Archie kay Ka Mon habang apurahang iniinspeksyon ang kanyakanyang pack.

Download PDF sample

Rated 4.89 of 5 – based on 50 votes